Tuesday, December 10, 2013

PHILSTAR.com | Lola pinatay sa sakal                               

Brutal na kamatayan ang sinapit ng 70-anyos na lola matapos pagpapaluin ay sinakal pa ito hanggang sa mapatay ng kanyang kaanak na lalaki noong Linggo ng gabi sa Barangay Lawaan sa bayan ng Dumanjug, Cebu.

Natagpuan ni Generoso Gimarino, 51; at ng ba rangay tanod ang bangkay ni Sansa Belocura sa madamong lugar sa nasabing barangay.

Sa pagsusuri ng municipal health officer, lumilitaw na nagkabali-bali ang ribs ng biktima at may pa­latandaang sinakal hanggang sa mapatay.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadakma naman ang suspek na si Arnold Belocura sa kanyang bahay sa nasabing barangay.

Ayon kay SPO1 Felipe Vibar, papauwi na ang biktima nang makasalubong ang suspek na lango sa alak bago isinagawa ang krimen.

Nabatid na kalimitang hindi nagbibigay ng pera ang biktima kapag humi hingi ang suspek.

Sa presinto ay itinanggi naman ng suspek ang krimen subalit mariin namang isiniwalat ng kanyang pinsan na naikuwento sa kanya ng una ang sama ng loob sa biktima.


OPINYON:

Hindi makatarungan ang ginawa ng suspek dahil isa yang pang-aabuso sa karapatang pantao at lumabag siya sa batas. Hindi ko lubos isipin na meron pa palang taong papatay sa isang matanda na walang kalaban laban. Isa yang karumaldumal na pagpaslang sa kawawang matanda. Malaking kahihiyan po ito sa ating bayan dahil wala siyang galang sa kawawang matanda. Sa palagay ko po ay dapat ng ibalik ang Death Penalty sapagkat lalong lumalala ang kaso ng krimen dito sa ating bansa.

1 comment:

  1. Caesars Completes $250M Expansion Into Hollywood - DRMCD
    The Caesars Resort Casino, 논산 출장샵 located 김포 출장샵 in Las Vegas Strip, officially opens 남원 출장안마 the doors of its all-new 창원 출장샵 hotel, The 남원 출장마사지 Hollywood

    ReplyDelete